37

Dec 18, 2018 @ 12:57
By

‘Walang basehan’ – Palasyo sa alegasyon ng budget insertion vs Diokno

Sa press briefing na isinagawa sa Malacañang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na isa lamang ‘diversionary tactics’ ng ilang mambabatas ang pagbato ng mga alegasyon laban kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sinabi ni Panelo na iniingatan pa rin ng Pangulo si Diokno matapos ang alegasyon ng budget insertions at questionable allocations na ibinabato sa Cabinet official.

Saad pa ni Panelo, ang alegasyon laban kay Diokno ay “totally baseless”.

“Certainly, the President is keeping him. The confidence and the trust… The confidence and the trust remain. The reputation of Secretary Diokno is solid,” pahayag ni Panelo sa isang interview sa ABS-CBN News Channel.

Kamakailan lang ay pinagtibay ng House ang House Resolution No. 2365, na naghihimok sa Pangulo na i-reconsider ang appointment ni Diokno.

Inulan ng alegasyon si Diokno sa diumano’y P75-billion insertions sa 2019 national budget at ilan pang questionable allocations sa flood control projects.

“Not a whiff of corruption. Not any allegation at all. It’s only now. And even the allegations are baseless. He does not have anything to do with the allocations of the budget. In other words, it’s totally baseless,” pagtatanggol ni Panelo kay Diokno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?