50

Dec 10, 2017 @ 14:04
By

Walang basehan ang martial law extension – Zarate

Ipinababasura ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kongreso ang hirit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) na pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Iginiit ng kongresista na walang mabigat na dahilan para sa extension ng batas militar bagkus ay magiging ugat lamang ito ng lalo pang pagdami ng mga kaso ng human rights violations.

“It seems that the AFP and the PNP want unli- Martial law that they can extend whenever they want, even if the affected people, especially the displaced residents of Marawi and other provinces are totally opposed to it,” ayon kay Zarate.

“We said it before and we will say it again and again: there is no basis for extending martial rule in Mindanao; it only cause hardships and sufferings to our people,” dagdag ng kongresista.

Nagbabala rin si Zarate na magamit lamang smokescreen ang martial law extension para hindi na idaan sa public bidding ang Marawi rehabilitation projects.

Delikado anya ito dahil tiyak na mauuwi sa katiwalian ang bilyon- bilyong pisong pondo para sa pagbangon ng Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?