59

Jun 23, 2020 @ 21:50

Walang basaan sa San Juan fiesta

Walang magaganap na basaan sa pagdiriwang ng kapistahan ng San Juan City ngayong Miyekoles dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng protocol para sa kaligtasan ng mga residente at turista laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nabatid na naglabas ng Executive Order No. 42, Series of 2020 ang tanggapan ni Mayor Francis Zamora kung saan pansamantalang ipinagbawal ang nakasanayang basaan para maiwasan ang posibleng pagkahawa sa COVID-19 dahil sa pagkukumpulan ng mga tao sa kalye tuwing nagbabasaan.

Sabi ng alkalde, magiging tahimik ang kapistahan ni St. John the Baptist at magiging “Basbasan sa Makabagong San Juan” na ang tema at hindi muna magaganap ang Wattah Wattah Festival. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?