By

Walang banta para magdeklara ng revolutionary gov’t – Roque

Sharing is caring!

Walang nakikitang banta sa ngayon at maging sa hinaharap laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya walang dahilan para magdeklara ng revolutionary government.

Inihayag ito kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng nakatakdang rally sa Huwebes ng mga supporter ni Pangulong Duterte sa Davao City para hilinging magdeklara ito ng revolutionary government.

Sinabi ni Roque na walang legal na batayan para pagbigyan ang hirit ng Duterte supporters dahil walang nakikitang banta sa ngayon sa liderato ng Presidente.

“We don’t see any threat, any such threat in the near future. The President enjoys 80% approval rating; he was duly elected; he had a margin of 5 million votes from the second highest candidate; so he is the ‘de jure’, he is constitutional; he enjoys the tremendous public support of Congress. So we see no reason to declare a revolutionary government,” ang pahayag ni Roque.

Matatandaang inihayag ng Pangulo na ikokonsidera niya ang isang revolutionary government kung magpapatuloy ang plano ng mga destabilizer na alisin siya sa puwesto.

Nagpapasalamat ang Palasyo sa patuloy na malasakit ng mga supporter ng Pangulo at tiniyak ng kalihim na kontrolado ang sitwasyon, at batay sa pagtaya nito ay mas tataas na ang popularidad ni Pangulong Duterte mula sa kasalukuyang 80% na approval rating nito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?