126

Walang baggage pilferage sa NAIA – CebuPac

Sharing is caring!

AGAD inimbestigahan ng Cebu Pacific ang napaulat na baggage pilferage sa isa nilang pasahero.

Ayon kay Charo Logarta-Lagamon, ang tagapagsalita ng Cebu Pacific, base sa CCTV footages, body cameras at pahayag ng kanilang ground staff walang nakitang indikasyon na pinakialamanan ang bagahe ng babaeng pasahero.

Sinabi pa nito na isusumite nila sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga nakuha nilang ebidensiya at testimoniya kalakip ng kanilang final report ukol sa pangyayari.

Naging viral sa social media ang video ng pagiging hysterical ng babaeng pasahero sa NAIA nang madiskubre nito na bukas na ang kanyang maleta.

Mapapanood na nagsisisigaw ito at paikot ikot habang naghahanap ng tao na makakausap.

Ang pasahero ay galing ng London sakay ng ibang eroplano ay sumakay ito ng CebuPac sa Hong Kong pauwi ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Lagamon na nakipag ugnayan na rin sila sa ground handlers sa Hong Kong International Airport para ma-trace kung saan dumaan ang bagahe ng pasahero.

Ibinahagi din nito na nang ilagay sa carousel sa NAIA ang maletan ay nakita pa na naka-lock ang zipper nito.

Sinabi pa ni Lagamon na pinasalamatan pa sila ng pasahero sa mga hakbangin nila na matukoy ang ugat ng pagkakabukas ng kanyang maleta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?