23

Sep 8, 2021 @ 17:36
By

Walang ayuda sa 2022 budget

Walang inilaang alokasyon sa “ayuda” para sa posibleng pagkakaroon ng lockdown sa susunod na taon dahil sa COVID-19.

Ito’y matapos tanungin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pagdinig ng Senate committee on finance sa panukalang P5.024 trilyong national budget sa 2022, kung may alokasyon para sa ayuda sa 2022.

“We did not provide Mr. Chairman any specific line item for ayuda”, sabi ni Undersecretary Tina Rose Marie Canda, officer-in-charge ng Department of Budget and Management.

Paliwanag ni Canda, ang cash aid o ayuda na ibinigay ngayong taon sa mga taong naapektuhan ng pandemya ay kinuha mula sa savings at unprogrammed funds ng gobyerno.

Nang tanungin ni Recto kung dapat maglaan ng pondo sakaling magkaroon ng lockdown sa susunod na taon, sinabi ni Canda, “We would love that but unfortunately under our current system it discourages lump sum funds for no reasons.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?