5

By

Walang awa! 40 puntos tinambak ng Ateneo sa UST

Sharing is caring!

Sigurado na sa top spot ang Ateneo Blue Eagles, ngunit tila pinuwersa pa rin nila ang sarili sa paggiba sa University of Santo Tomas Growling Tigers.

40 puntos ang naging tambak ng Ateneo sa UST, 102-62, at naranasan ng huli ang ikalawang kuwarenta puntos na pagkatalo ngayong season matapos hiyain ng DLSU noong Nobyembre 3, 110-69.

Sa simula pa lang ay nagpakilala na ang mga agila, nagsimula ng 16-0 blast sa unang bugso ng laban.

Hindi na nakabangon mula sa puntong iyon ang UST, at tila nawalan na nang enerhiya matapos matambakan ng maaga.

“Our players were serious and we wanted to make sure that we were serious from the start as UST is a dangerous team. We didn’t want to take a step back or relax. That’s our sentiments today,” pakli ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Nanguna para sa Ateneo si Angelo Kouame na humarurot ng had 22 points, 10 rebounds at tatlong blocks, samantalang 17 puntos naman ang iniambag ni William Navarro.

Hawak ang 11-2 win-loss record, una na ang Ateneo sa standing at hihintayin na lamang ang makakaharap na posibleng ang UP Fighting Maroons, DLSU Green Archers, o ang Far Eastern University Tamaraws na nagkasalabit-salabit sa third hanggang fifth spot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }