830

Feb 16, 2020 @ 14:50
By

Walang arte! Angeline nagbenta ng isaw, naglako ng fishball

Kakaiba ang naging vlog ng diva na si Angeline Quinto para balikan ang kanyang kabataan noong nasa Sampaloc, Manila pa.

Sa kanyang February 14 Youtube vlog na ‘Isang Araw na Paglalako?!’, binahagi ni Angeline na dati siyang nagbenta ng mga inumin at pagkain noong siya’y grade school.

Kaya naman muli niya itong binalikan, na level-up pa dahil sa dami ng kanyang sinubukang gawin.

Una ay sumakay ng jeep si Angeline para makapunta sa University of Santo Tomas kung saan nagbenta at nag-ihaw siya ng barbeque, isaw at dugo.

Makikita rin na sanay sa hirap si Angeline na kumain ng nakakamay habang nagpapahinga sa pagbebenta.

Matapos nito ay nagpadyak naman ang singer ng cart para naman magbenta ng palamig at fishball.

Sunod na sinubukan ni Angeline ay balut sa tapat ng isang convenience store, pati ang pagiging GrabFood driver ay ginawa niya rin na pinamalas ang husay sa pagmomotorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?