98

By

Walang alam sa epekto ng droga! UN, Iceland binanatan ni Duterte

Hindi naiintindihan ng human rights groups ang matinding problema ng bansa sa iligal na droga.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng resulta ng botohan sa resolusyong inihain ng Iceland sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) para imbestigahan ang drug war campaign ng pamahalaan.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa ika-28 taong anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology sa Kampo Aguinaldo Biyernes ng hapon, na hindi alam ng UN at Iceland kung ano ang matinding epekto ng iligal na droga sa isang pamilyang Pilipino at nakikialam pa ang mga ito.

“The human rights are coming, good. And I’ll tell them how many millions are affected by drugs? Huwag mo na lang isali ‘yung tinamaan. The social dysfunction that they create in the average family. Ang mga bata hindi nakapag-aral if the breadwinner wala nang pagkain and they go about on their own ways to create another problem in our society. Hindi maintindihan ng mga p***** ito na may problema tayo,” anang Pangulo.

Wala rin aniyang pakiramdam ang Iceland sa mga nangyayari sa Pilipinas dahil napapalibutan ang mga ito ng yelo.

Dahil sa dami aniya ng yelo sa Iceland ay hindi na mapagtanto kung ano ang araw at gabi, at wala ring krimen at pulis dahil sa makapal na yelong bumabalot sa mga ito.

“Iceland, anong problema ng Iceland? Ice lang. That’s your problema you have too much ice, and there is no clear day or night there. Parang alas-kuwatro ng hapon ang araw pati gabi. So you can understand why there is no crime, there is no policeman either and they just go about eating ice. They don’t understand the social, economic, political problems of the Philippines,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang Iceland ang pursigidong mag-imbestiga ang UNHRC sa Pilipinas dahil umano sa mga nagaganap na extrajudicial killings kaugnay sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?