5
caap
By

Walang adik na CAAP employee

Sharing is caring!

NEGATIBO sa paggamit ng anumang klase ng droga ang lahat ng empleado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa pahayag ng CAAP, isinagawa ng kanilang Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine and drug testing sa 1,187 empleyado na nakatalaga sa 16 airports sa bansa simula noong Pebrero 7 hanggang Mayo 4 ngayon taon.

Ginawa ang drug test alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drygs Act of 2002 at Memorandum Circular Series of 2010 ng Civil Service Commission para sa isang drug free na ahensiya ng gobyerno.

Ayon pa sa CAAP, layon na rin nito na matiyak ang ligtas na pagbiyahe sa pamamagitan ng mga paliparan.

Sinabi naman ni Transportation Sec. Arthur Tugade bahagi ito ng kanilang kampaniya na tiyakin na walang sangkot sa droga sa kanilang mga kawani.

“ Ayaw ng Pangulo niyan. Kapag nahuli tayo pasensiyahan tayo,” ang babala pa ni Tugade sa lahat ng mga kawani ng kagawaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?