67

By

Wala si Basas, walang problema!

Nasa tuktok pa rin ang Far Eastern University Lady Tamaraws matapos talunin ang San Beda University Red Spikers sa apat na set 25-16, 21-25, 25-19, 25-2, sa Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan, Miyerkoles.

Wala man ang ace player nilang si Chinchin Basas ay lumaban pa rin ang Tamaraws para masikwat ang ikalawa nilang sunod na panalo.

Nanguna para sa FEU si Celine Domingo na kumubra ng 22, 15 attacks, apat na blocks at tatlong aces at ang rookie na si Lycha Ebon ay nag-ambag ng 10 puntos, habang siyam na puntos naman kay Jerrili Malabanan.

“Sinusubukan talaga namin na mabuo yung connection ng mga middle at setter. Importante na ma-establish namin yung chemistry namin kasi may mga bago kaming player na ginagamit,” saad ni FEU head coach George Pascua.

Hindi naman naging madali ang panalo ng Tamaraws dahil magandang laban din ang pinakita ng Red Spikers na nagpwersa sa tropa ni Pascua na mag-commit ng error sa huling minuto ng ikaapat na set.

Samantala, kinapos man ay lumaban pa rin ang San Beda sa pangunguna ng kambal na Viray na may 17 at 12 puntos, at si Cesca Racraquin na may 5 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?