46

Jan 5, 2018 @ 16:59

Wala sa pormang si Serena, umurong sa Australian Open

Sumunod na ring umatras si Serena Williams sa pagpalo sa Australian Open.

Sinabi ng beteranang tenista na hindi pa siya gaanong preparado para makipagpaluan sa lebel ng torneo matapos ang kanyang panganganak noong nakalipas na taon.

Nag-post si Serena ng mensahe sa kanyang social media, Huwebes , na aniya’y … “After performing in my first match after giving birth I realized that although I am super close I’m not where I personally want to be.”

“My coach and team always said ‘Only go to tournaments when you are prepared to go all the way.'” ani pa Serena na tinalo ang kanyang utol na si Venus, sa Australian Open nung 2017.

Ang bagong mom ay lumaban sa isang tennis match sa nakalipas na buwan-una buhat nang magsilang ng baby girl noong September. Ito’y ang exhibition match kontra Latvian player Jelena Ostapenko sa Mubadala World Tennis Championship sa Abu Dhabi, ulat ng TMZ.

Patungkol sa Aussie Open, hangad niyang makabalik at lumaro sa ibang pagkakataon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?