42

Feb 27, 2021 @ 17:24
By

Wala raw manners: Bata sinuntok sa tiyan, sinakal ng construction worker

Kalaboso ang isang 19-anyos na construction worker sa Naga City, Cebu matapos mapikon sa 7-anyos na kapitbahay dahil wala umanong manners.

Ayon sa ulat, sinuntok sa tiyan ng suspek na si Daniel Echavez ang biktima, sinakal, binuhat at idiniin ang mukha sa bakod sa Purok Onion, Barangay South Poblacion ng nabanggit na siyudad noong Pebrero 26.

Sa pag-iimbestiga kay Echavez, sinabi niyang inatake niya ang bata dahil wala itong manners pero hindi na niya ipinaliwanag pa kung bakit niya ito nasabi.

Napadaan umano si Echavez sa lugar kung saan naglalaro ang bata na lumapit sa kanya, at maya-maya pa ay biglang nagalit ang una at sinaktan na ang biktima.

Nakawala ang bata at nakapagsumbong sa kanyang ama. Masuwerte namang nagtamo lamang ang bata ng minor injuries tulad ng pasa.

Nahaharap si Echavez sa kasong physical injury in relation to “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?