By

Wala pang pondo para sa rehabilitasyon ng Boracay – OCD

Sharing is caring!

Hindi pa rin naisasapinal ng Office of Civil Defense ang kabuuang halagang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng isla ng Boracay.

Sa kabila ito ng pagsasara na ng Boracay para sa environmental clean up noong April 26.

Ayon kay Office of Civil Defense Spokesman Director Edgar Posadas, may pagpupulong na ginagawa ngayon para sa pagtukoy ng pondo para sa rehabilitasyon.

“Ang main participation ng ocd dito ay magundertake nung tinatawag natin na post diaster and needs assssment para ito po ay magiidentify kung magkano talaga ang kailangan natin on the recovery and rehab phase”, sinabi ni Posadas.

Mahigpit na rin aniya silang nakikipag-ugnayan sa National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang concerned agencies para maisapinal na ang kakailanganing pondo.

Sinabi ng opisyal kailangan munang matapos ang Post Disaster Needs Assessment (PDNA) para masimulan na ang recovery at rehabilitation project sa Boracay.

Naniniwala naman si Posadas na matatapos ang recovery at rehabilitation project sa loob ng anim na buwan katulad nang anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?