91
views

By

Wala pang pagtaas sa presyo ng bilihin – DTI

Sharing is caring!

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) na isumbong ang mga magsasamantalang negosyante na nagtaas na ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na hindi pa dapat tumataas ang presyo ng mga produkto o bilihin dahil base sa kanilang monitoring may mga stocks pa ang mga manufacturers.

Giit ng kalihim sa kanilang pagtataya ang mga stocks ng karamihan sa mga bilihin ay aabot ng hanggang tatlong linggo ngayon buwan

Sinabi pa ni Lopez binaha sila ng mga tawag ng mga nagtatanong at humihingi ng paliwanag ukol sa epekto sa presyo ng mga bilihin ng bagong tax reform package, maging ng excise tax, na direktang may epekto sa presyo ng mga produktong-petrolyo at soft drinks.

Kasabay nito, nagpakalat na ang kagawaran na ang mga monitoring teams para alamin kung tumaas na ang presyo ng mga bilihin dahil sa bagong batas sa buwis.

Pinag-aralan na rin ng DTI ang magiging epekto ng excise tax sa mga bilihin base sa Republic Act 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Sa unang pagpapatupad ng bagong batas, inilabas na ng DTI ang magiging pagtaas sa presyo ng ilan mga pangunahing bilhin, gaya ng gatas, kape, mga de lata, instant noodles,  tinapay, pandesal, sabon at semento.

Sa magiging bagong Suggested Retail Price o SRP ng mga nabanggit na produkto, ang pinakamababang pagtaas ay wala pang isang sentimo at ang pinakamataas naman ay

P1.57 sa kada bag ng semento.

Samantala, sa krudo o diesel naman at fuel oil ay hanggang P2.50 kada litro ang magiging pagtaas dahil sa excise tax at P1 naman sa liquified petroleum gas o LPG.

Sinabi pa ni Lopez ang mga magtataas na ng presyo ng kanilang mga ipinagbibiling produkto base sa excise tax o TRAIN Law hanggang sa ikatlong linggo ng Enero ay maaring

kasuhan ng ‘profiteering.’

Hinihikayat niya ang publiko na may reklamo o sumbong ukol sa pagtaas na ng presyo ng mga bilihin na tumawag sa kanilang hotlines na (02) 751-3233 at (02) 751-0384 (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?