73

By

Wala pang leak sa nanakaw na passport data – Locsin

Singurado ni Foreign Affairs Secretary na hindi pa inilalabas ang mga impormasyon mula sa natangay na passport data.

Ito’y tugon matapos ipagtanggol ng isang netizen ang isyu sa passport data breach kung saan hindi pa umano kumpirmado kung nagkaroon na ng leakage sa impormasyon.

“No leak so far,” ayon kay Locsin.

Ngunit hindi naman itinanggi ng kalihim ang poaibilidad na na-corrupt na ang data na nakuha.

“The data is possibly hopelessly corrupted and at any rate inaccessible now or we are being lied to as usual,” dagdag pa ng DFA secretary.

Matatandaan na noong Sabado ay ibinunyag ni Locsin ang naging data breach sa pasaporte matapos tangayin umano ito ng isang passport maker matapos ma-terminate ang kontrata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?