125

Aug 11, 2019 @ 13:41
By

Wala pang isang taong kasal, Miley Cyrus at Liam Hemsworth hiwalay na

Hindi na umabot sa anibersaryo ang dating mag-asawang Miley Cyrus at Liam Hemsworth ay naghiwalay kahapon para sa “ikabubuti nilang dalawa.”

“Liam and Miley have agreed to separate at this time,” sabi ng rep ng 26-anyos na aktres.

“Ever-evolving, changing as partners and individuals, they have decided this is what’s best while they both focus on themselves and careers. They still remain dedicated parents to all of their animals they share while lovingly taking this time apart,” dagdag ng rep.

Hiniling ng dating mag-asawa sa publiko ang pagrespeto sa kanilang process at privacy.

Lumabas ang tsismis na hiwalay na ang dalawa nang maglabas ng photo sa Instagram si Cyrus na hindi niya suot ang wedding ring.

View this post on Instagram

Mute me if you don’t want SPAMMED

A post shared by Miley Cyrus (@mileycyrus) on

Unang nagkatambal sina Cyrus at Hemsworth sa pelikulang “The Last Song” nitong 2009. Nag-date din agad ang dalawa at magkasama nang naglakad sa red carpet sa 2010.

Kinasal sina Cyrus at Hemsworth nitong Disyembre 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?