92

Nov 8, 2017 @ 19:02
By

Wala pa ring hustisya sa mga biktima ng Yolanda

Tiniyak ng House committee on housing and urban development na bibigyang hustisya ang sinapit ng mga pamilyang biktima ng bagyong Yolanda dahil sa sobrang tagal at substandard na mga pabahay.

Ayon sa chairman ng komite na si Negros Occidental Rep. Albee Benitez, apat na taon na ang nakalipas pero libo-libo pa ring Yolanda victims ang nakatira sa temporary housing o nananatili sa danger zones.

“It appears that, for many families, the tragedy continues,” sabi ni Benitez.

Pinangunahan ni Benitez ang serye ng public hearings sa Eastern Samar, Tacloban at sa kamara kaugnay ng napakabagal na implementasyon ng Yolanda housing projects.

Dito natuklasan na bukod sa sobrang delay nang pagtatayo ng housing units ay substandard rin ang ginamit na mga materyales ng kontratistang JC Tayag builders.

Sabi ni Benitez, personal niyang titiyakin na mananagot ang mga opisyal at contractors na kumita sa Yolanda housing projects.

“This is utterly unacceptable. Our kababayans in the Yolanda corridor have suffered enough yet some people have the gall to profit from their misfortune,” ayon sa kongresista.

Sisikapin rin daw nito na mapabilis ang implementasyon ng nasabing proyekto para magkaroon na ng disenteng bahay ang Yolanda survivors.

“Four years but we see little progress. I am hoping that it would not take yet another four years to fulfill the promise of adequate housing for Yolanda survivors. We will not let rest until Yolanda-affected families will finally have a safe and decent house to live in,” dagdag ni Benitez. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?