29

Apr 28, 2020 @ 11:38
By

Wala ng peace talks sa mga “reds”– Pang. Duterte

Wala ng peace talks kasama ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army na magaganap ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“There is no more peace talks to talk about. I am not and will never be ready for any round of talks kasi simply the NPA, the CPP has no respect either for their spoken words or in their deeds of killing soldiers who are on humanitarian missions,” sambit ni Pang. Duterte sa kanyang televised address nitong Lunes ng gabi.

Ang nasabing desisyon ay kaugnay sa mga ulat na pinagbabaril umano ng mga rebelde ang ilang sundalo na ikinalungkot ni Pang. Duterte.

Sabi pa ni Pang. Duterte, “It is a sad thing to know that yung mga sundalo ko pinagpapatay while even doing the most honorable task of accompanying the govt workers delivering money and the food.”

“I am so sad about this development but there will always be a time for reckoning,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?