15

Aug 6, 2020 @ 18:35
By

Wala nang pang-ayuda – Finance chief

Inamin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na walang inilaan ang gobyerno na pondo para sa cash aid ng mga apektado ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilan pang lugar.

Tugon ito ni Dominguez nang maitanong kung may ikatlong round ng cash subsidies para sa mga MECQ area.

“It was not anticipated and it’s not in the budget…” ani Dominguez.

Mula August 4 hanggang August 18 sinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan sa MECQ matapos umapela ang mga health worker ng “time out” dahil sa pagtaas ng mga nako-confine dahil sa COVID-19 sa mga ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?