439

Nov 17, 2019 @ 13:42

Wala nang oras dahil sa dyowa: Thirdy nagselos sa fan

“PORKET MAY BOYFRIEND KA NA, di na nanood buong season hays”

‘Yan ang naging pahayag ni ‘King Eagle’ Thirdy Ravena matapos makita ang supporter nito sa Game 1 ng UAAP Season 82 Finals.

Sa tweet ni @dvrgntmicah, nagpa-picture ito kay Thirdy at nag-sorry dahil hindi na nakakanood ng games sa venue.

Nilinaw din niyang wala siyang dyowa.

“sorryyy naaa bawi akooo! Congraaats today grabe talagaaa hayyys (tsaka wala pa kong jowa huy HAHA,” ayon sa tweet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?