By

Wala nang ‘nuclear threat’ mula NoKor-Trump

Sharing is caring!

Idineklara ni US President Donald Trump na wala nang “nuclear threat” mula sa North Korea.

Ginawa ito ni Trump makaraang lumapag sa Washington mula sa makasaysayan nitong summit kay North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore.

“There is no longer a Nuclear Threat from North Korea. Meeting with Kim Jong Un was an interesting and very positive experience,” sabi ni Trump.

Gayunman, sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo na ibabalik nila ang war games sa kaalyadong South Korea kung mapapatunayan na hindi sinsero ang Pyongyang sa negosasyon.

Una nang ipinatigil ni Trump ang nasabing war games matapos ang positibong pulong kay Kim.

Sa summit, nagkasundo sina Trump at Kim sa isang denuclearized Korean Peninsula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?