108

Jul 8, 2019 @ 15:49
By

Wala nang naniniwala kay Joma – Bato

Minaliit ni Senador Ronald dela Rosa ang naunang pahayag ni communist leader Jose Maria Sison na maaaring maglunsad ng kudera ang Estados Unidos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nakikinig ba kayo kay Joma Sison? Naniniwala pa kayo sa kanya? Insignificant naman ‘yun,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng mga reporter nitong Lunes.

Ayon kay Dela Rosa, dating Philippine National Police chief, mismong ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ay hindi sumusunod kay Sison kaya’t hindi ito dapat paniwalaan pa.

“Yung NPA nga dito sa Pilipinas, di sumusunod sa kanya, di naniniwala sa kanya, magpapaniwala pa kayo sa kanya,” sabi ni Dela Rosa.

“Ang dami ngang NPA dito na nagsariling-sikap di na sumusunod sa mga order na galing sa kanya, papaniwalaan pa ninyo,” dagdag pa nito.

Una nang inihayag ni Sison, chief political consultant ng Communist Party of the Philippines at National Democratic Front na hindi kailangan ng US na unang magpaputok sa China dahil maaari namang maglunsad ng coup ang US laban kay Duterte.

Ginawa ni Sison ang pahayag kasunod ng paghamon ni Duterte sa US na giyerahin ang China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?