533
ABANTE pastor boy saycon edsa
By

Wala nang naniniwala kay Boy Saycon – Baguilat

Sharing is caring!

Iginiit ni Caloocan Rep. Edgar Erice na si Pangulong Rodrigo Duterte ang gumagawa ng destabilisasyon sa pamahalaan.

Ginawa ng kongresista ang pahayag kasunod ng sinabi ni Pastor Boy Saycon na posibleng gamitin ang simbahan para sa destabilization plot laban sa Presidente.

Giit ni Erice, ang pananalita ni Duterte ang nagpapabagsak sa kanya at nagiging dahilan nang pagkakawatak-watak ng sambayanan.

Sabi ng kongresista, kung babawasan nito ang mga hindi magagandang salita ay tiyak na mababawasan ng kalahati ang problema ng Pilipinas.

“If the president will only talk less our problems will be lessen by a half,” ayon kay Erice.

Para naman kina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Akbayan Rep. Tom Villarin, wala namang basta naniniwala sa sinasabi ni Pastor Saycon.

“May naniniwala ba kay Boy Saycon?” ani Baguilat.

Ang pagkakasama anila nito para sa dayalogo ay patunay na pinaglalaruan lamang ng Malakanyang ang simbahan.

“Boy Saycon is a proven destabilizer whose words mean nothing. His inclusion by Malacañang in the panel to dialogue with church leaders mean that the palace is just toying with the church and to stave of unrest by its faithful. The church should not fall for this trap,” pahayag ni Villarin. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?