54
views

By

Wala nang ‘Magic’ sa Lakers kapag walang naakit

Sharing is caring!

Handang iwan ni Magic Johnson ang kanyang posisyon bilang general manager ng Los Angeles Lakers sakaling mauwi sa kamalasan ang free agency period ng koponan at walang masikwat na big-time franchise player.

Target ng Lakers organization na muling bumuo ng dinastiya sa kanilang lungsod, nakasentro ang atensyon kina Kawhi Leonard, Paul George at LeBron James.

“Like I told you when I took the job, it’s going to be a two-summer thing for the Lakers. This summer, and next summer, and that’s it. And if I can’t deliver, I’m going to step down myself. She won’t have to fire me. I’ll step away from it,” bulalas ng 2002 NBA Hall of Fame inductee.

Bagama’t sadlak ang Lakers na tiniis ang limang taong hindi pagtuntong sa playoffs, kumpiyansa ang koponan, na ito na ang kanilang taon.

Dagdag pa ang ‘star power’ ni Johnson na maaaring gamiting pangkumbinsi sa mga superstar free agent.

“I’m Magic Johnson. You know how many finals I’ve been in? So you think I’m worried about this? I played against Larry Bird in the Finals. I played in nine Finals,” saad niya habang nakangisi.

Patuloy ang rebuilding ng Lakers na gumanda ang roster sa pagdagdag kina rookies Lonzo Ball at Kyle Kuzma, pati na rin ang umaangat na laro nina Julius Randle at Brandom Ingram. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?