86

Oct 3, 2017 @ 17:47

Wala nang free condom sa High School – DOH

Hindi na mamimigay ng libreng condom sa high school ang Department of Health.

Sinabi ito ni Health Secretary Paulyn Ubial nung gisahin ni Senate Majority Leader Tito Sotto III sa confirmation hearing ng Commission on Appointments (CA).

“No, your honor. The plan is to intensify education on HIV/Aids, on how to avoid such infection. We will not implement it (distribusyon ng condom),” ayon kay Ubial.

Inungkat ni Sotto na nitong nagdaang Enero, inianunsyo pa ni Ubial na itutuloy nila ang pamumudmod ng condom sa mga mag-aaral sa sekondarya at sa campus pa ng mga eskwelahan kaya naman umani ito ng batikos.

Puntirya noon ng DOH ang mga teen-ager hanggang 24 taong gulang.

Ikinatuwa naman ni Sotto ang pangako ni Ubial.

Samantala, sinabi rin ni Ubial na hindi sila bibili ng bagyong suplay ng condom ngayong taon at sa susunod na tan dahil may imbak pa sila na nagkakahalga ng P10 milyon.

Sa kabilag banda, hindi pa ulit nakalusot si Ubial sa CA dahil marami pang gustong liwanagin dito ang mga senador at konggresistang kasapi ng kumisyon. (Sherlock Homes)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?