192
Wala namang nakukulong sa ‘narcoserye’ ni Duterte - Alejano
By

Wala namang nakukulong sa ‘narcoserye’ ni Duterte – Alejano

Binanatan ni opposition senatorial candidate Gary Alejano ang pagsasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng politiko na umano’y sangkot sa iligal na droga bago ang May 13 midterm polls.

Ani Alejano, desperadong hakbang lang umano ito para maisalba ang pekeng drug war ng administrasyon.

Dagdag pa niya, paulit-ulit lang umano ang mga patutsada ng Pangulo pero wala namang nakukulong.

“Para tayong nasa narcoserye na ang pabida ay ang Pangulo. Paulit-ulit lamang ang mga patutsada, maglalabas ng mga pangalan, magkakaroon ng susunod na kabanata pero wala namang nakukulong. Let us not fall into their propaganda,” saad pa ng Magdalo party-list congressman.

Pag-abuso rin aniya sa kapangyarihan ang ginawa ng Pangulo dahil inalis umano nito ang karapatan ng isiniwalat na indibiduwal sa due process.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?