197

Oct 4, 2020 @ 14:25
By

Wala naman daw ginagawa: Mga guro bawasan ng sweldo sa WFH – Cagayan Gov. Mamba

kung si Cagayan provincial governor Manny Mamba ang tatanungin, dapat na tapyasan ang sweldo ng mga guro dahil aniya, mas tipid umano ang mga ito ngayong work from home ang setup dahil sa COVID-19 pandemic.

Giit ni Mamba, hindi na dapat magreklamo ang mga guro at dapat ay mas sipagan pa umano ang pagtatrabaho para hindi malugi ang gobyerno.

“Well sa tingin ko nag-eenjoy sila, nagsu-sweldo sila, wala silang ginagawa,” saad ni Mamba sa panayam sa DZRH. “Kaya nga dapat, huwag na silang magreklamo dahil sa totoo lang po, I think mayroon tayong law na kapag ganito na work from home, tatanggalan ng kaunti. Dahil sa totoo lang, ang dami po nating nase-save sa work from home.”

“Parang lugi po ang gobyerno eh, na nagsu-sweldo nang tama, lahat ng perks nandoon, and yet hindi nare-reciprocate sa trabaho. I think there is something na dapat pag-aralan din po,” aniya pa.

Lahad pa ng gobernador, hindi na mna dapat tinuturo ang academics ngayong bawal ang face-to-face learning, at mas mainam umano na turuan ang mga estudyante sa pagtatanim.
“Siguro ito yung dapat muna nating ituro, hindi yung academics kasi ang hirap po ano. I could only… Mai-magine ko lang yung hirap lalo na kapag highschool. Paano tayo magturo ng algebra, geometry?” pakli ng local official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?