89

Sep 28, 2021 @ 12:02
By

Wala na, finish na! JaDine simot alaala sa Instagram

Tuluyan nang natuldukan ang love story nina James Reid at Nadine Lustre.

Binura na kasi ng dalawa ang kanilang mga Instagram highlights kung saan makikita ang ilan nilang sweet moments habang magdyowa pa sila na nagtagal nang halos 4 years.

Kahit kasi hiwalay na noon pang 2020, matagal na nanatili ang IG highlights sa account ng dalawa kaya naman asadong-asado ang mga fan na baka may chance pang magkabalikan ang dalawa.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1525563617810825&set=a.123578218009379&type=3

https://www.facebook.com/1806400832787556/posts/4329523723808575/?d=n

Wasak naman ang puso ng mga Jadine fan.

Inducil Santos: “Walang bibitaw mamatay man JaDine pa rin 🥲💜”

Nickalaine Santiago: “😭 That was just a story highlight, it won’t hurt you. The content of the story highlight.”

Selena’s Art: “Jadines let go na move on mas lalo lng kayo masasaktan kung patuloy pa rin kayong aasa sa matagal ng wla😊hanapin nyo ang happiness sa iba bilang fans fangirling suppost to be fun lng hindi ganito na nasasaktan kayo at umiiyak nakakalungkot lng makita kayong ganito 😢”

Rovie Ann Diaz: “Diko Kaya sobrang sakit parte na Ang Jadine sa buhay ko 😭💔” (VA)



Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?