245

Jan 28, 2019 @ 15:29
By

‘Wala na bang lugar para sa konsensya?’ – Cardinal Tagle sa Jolo bombing

“Ano ang nangyari sa sangkatauhan?”

Tanong iyan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kasabay ng pagkondena sa naganap na dalawang pagsabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu kahapon.

Dagdag na katanungan pa ni Tagle, wala na bang lugar para sa konsensya?

Para sa kardinal, hindi makatao ang nasabing pagsabog sa naganap pa sa mga oras na idinaraos ang misa.

“That it happened during the Eucharistic celebration on a Sunday, the commemoration of Jesus’ triumph over death, make it abominable because it violates the sense of God present in every human heart,” saad ni Tagle.

Kaugnay nito, nakikiisa umano ang Archdiocese of Manila sa mga sibilyan at tropa ng pamahalaan na namatay sa malagim na insidente.

“Be assured that you will be given divine justice. We are one with the families of the dead and the wounded and the community of Jolo,” dagdag ng kardinal.

Kasabay nito, nanawagan din ang arsobispo sa mga nasa likod ng pagsabog na humingi ng kapatawaran sa Diyos at sa sangkatauhan sa kanilang nagawa at magsimula ng buhay para sa katotohanan, hustisya at pagmamahal.

Panawagan pa niya, “We call on all Filipinos, especially Catholics and Christians not to abandon our commitment to peace. Only good can combat evil.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?