64

Apr 13, 2020 @ 12:03
By

Wala munang graduation rites dahil sa COVID-19 – DepEd

Wala munang magaganap na graduation ceremony habang patuloy na kinahaharap ng bansa ang COVID-19 crisis, ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones.

“Wala munang graduation ceremonies kasi hindi naman puwede talaga lalo na sa Luzon. Sa Visayas and Mindanao maraming local government ang nag-declare din ng lockdown, so dini-discourage na ‘yun,” hayag ni Briones sa panayam sa Dobol B sa News TV, Lunes.

“Pero makuha nila ‘yung mga record nila sa school, makuha nila yung certificate nila but not necessarily magkita-kita ‘yung mga lola, mga parent at mga teacher,” aniya pa.

Sabi pa ng kalihim, tuluy-tuloy ang konsultasyon ng ahensiya sa mga magulang at iba pang stakeholders kaugnay sa pagbubukas ng susunod na school year.

“Mayroong iba gusto nila i-move to July or August ang enrollment pero ang ano namin diyan, kung i-move ‘yan, permanente na ‘yang i-move talaga,” wika ni Briones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?