115

Sep 4, 2019 @ 21:54
By

Wala kasing baril: Mga motorista, walang takot sa traffic enforcer – MMDA

Tutulungan na ng mga pulis ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers sa pagmamando sa trapiko.

Pag-amin ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ito umano ay dahil may mga motoristang walang takot sa mga traffic enforcer dahil walang baril ang mga ito.

“Wala kaming baril ‘di takot sa amin e. Last year, nabalitaan niyo ginulpi ‘yung enforcer namin,” saad ni Garcia sa Inquirer report.

Bunsod nito, magtatalaga umano ang Philippine National Police-Highway Patrol Group ng mga pulis sa mga pangunahing kalsada kabilang na ang EDSA ng 20-oras kada araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?