128

Dec 10, 2017 @ 15:25

Wala kaming away ni Coco – Vice Ganda

Mariing pinabulaanan ni Vice Ganda ang tsimis na may hidwaan sila ni Coco Martin.

“Hindi po kami magkaaway. Matagal na namin ding sinagot. Paulit-ulit lang din talaga kayo ng tinatanong at gusto niyo yatang marinig sa amin na magkaaway po kami,” pahayag ni Vice nitong Sabado.

“Sinagot ko na iyan dati. Sinagot na din ni Coco. Hindi kami magkaaway,” dagdag pa nito.

Nauna nang naiulat na may away ang “Ang Probinsyano” actor at the “It’s Showtime” matapos nilang piliin na bumida sa hiwalay na pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Si Vice ang isa sa mga bida sa “The Revenger Squad Gandarrapiddo,” habang si Martin mangunguna sa “Ang Panday.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?