3,258

By

Wala kaming alam sa ₱ 55B na isiningit sa 2019 national budget – Palasyo

Sharing is caring!

Hindi alam ng Malacañang ang P55 billion na isiningit sa isinumite nilang proposed 2019 national budget sa Kongreso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pinaninindigan lamang ng Malacañang ay ang isinumiteng National Expenditure Program (NEP).

Bahala na aniya ang Kongreso na gawin ang inaakalang tama para sa pambansang budget sa susunod na taon.

“Malacañang proposed the budget thru the NEP and therefore we take responsibility for what appears in the NEP.

If it is true that there are items which were not in the NEP, then we do not know where that came from. We will leave it to the House to do as it deems proper with these items,” ani Roque.

Nasa mga mambabatas na aniya kung ano ang magiging aksiyon sa sinasabing isiningit na P55 billion dahil malinaw naman kung magkano ang hinihinging pondo ng Malacañang para sa susunod na taon.

” We respect the constitutional mandate of Congress which is the power of the purse. We have discharged our constitutional function when we submitted the NEP, it’s the call of Congress how it will change the NEP subject to Constitutional limitations, cannot be increased, can be reduced,”dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?