47

May 11, 2021 @ 10:39
By

Wala daw suporta kay Rabiya? Catriona sumagot!

Nagpaliwanag si Catriona Gray sa mga namba-bash sa kanya dahil sa umano’y kakulangan ng suporta kay Rabiya Mateo.

Kinuwestiyon kasi ang Miss Universe 2018 sa isa niyang post, kung saan hindi niya nabanggit ang bagong pambato ng Pilipinas.

Sa nasabing post, tinanong nito sa kanyang mga follower kung sino ang kanilang itsi-cheer sa Miss Universe 2021 pageant.


Sey ng isang netizen, bakit pa raw nagtatanong si Catriona gayong Pinay ito at dapat suportahan si Rabiya?

Tugon ni Catriona, “I’m a Filipina AND a Miss Universe. It’s a celebration of women from all over the world.”

Ang isa pang netizen ay nagsabing dapat umano ay pino-post din ni Catriona si Rabiya kahit man lang sa kanyang Instagram story.

Depensa ni Cat, nakakausap niya nang pribado si Rabiya, at hindi lahat ay kanyang dini-display sa social media.

“I’ve reached out to @rabiyamateo throughout her journey privately. not everything is on display on social media,” sey ni Catriona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?