78

Oct 29, 2017 @ 16:51

Wala akong pamangking drug suspect – Medialdea

Itinanggi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pamangkin nito ang isa sa naarestong drug suspect sa Camarines Sur.

Sa isang text message, sinabi ng punong kalihim ng Malacañang na wala siyang kilalang Ryan Medialdea na isa sa apat na drug suspects na naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang tourist inn sa Baao, Camarines Sur.

Nagpakilala umano ang suspect na si Ryan na pamangkin siya ni executive Secretary Medialdea.

Nasamsam ng PDEA sa mga suspects ang P480,000 na halaga ng shabu at P780,000 na cash.

Si Medialdea na kanang kamay ng Pangulo ay mahigpit na sumusuporta sa anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?