177
Wala akong ginalaw sa 2019 budget - Arroyo
Mar 22, 2019 @ 20:47
By

Wala akong ginalaw sa 2019 budget – Arroyo

Itinuro ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sina committee on appropriations chairperson Rolando Andaya, Albay Representative Edcel Lagman at Capiz Representative Fredenil Castro na siyang nagtrabaho sa 2019 national budget at hindi siya.

“I think Fred Castro and Nonoy Andaya and Edcel Lagman have already been setting the record straight they were the ones who worked on the budget, not me, and they have been setting the record straight. They are more accurate in setting the record straight than me,” ani Arroyo.

Itinanggi rin ni Arroyo na siya ang nasa likod ng naging hakbang sa 2019 budget nina Andaya, Lagman at Castro.

Iginiit din nito na hindi siya ang nag-“micromanage” sa budget at wala rin siyang plano na pamahalaan ito.

Matatandaang inakusahan ni Senador Panfilo Lacson si Arroyo ng paglabag sa batas dahil sa “paggalaw” sa naratipikahan nang P3.75-trillion budget.

Sa kasalukuyan ay reenacted budget pa rin ang gamit ng pamahalaan dahil sa kabiguan ng Senado at Kamara na magkasundo sa 2019 budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?