51

Oct 19, 2020 @ 10:25
By

Wala akong ghostwriter – Remulla

Nagsalita na si Cavite Governor Jonvic Remulla sa nangyaring paglabas ni content creator Macoy Dubs sa kanyang Facebook live video.

Bandang alas-kuwatro ng hapon, Oktubre 15, lumabas ang mukha ni Macoy Dubs o Mark Averilla sa Facebook account ng gobernador.

Inako naman ng Gabi Na Naman Productions ang nangyaring “technical glitch.” Paliwanag nila, ang live stream ay para sa nire-rehearse nilang event kasama si Macoy Dubs. Samantala, nagkamali anila ang streaming partner na CSG Photography na ang isa sa mga “kliyente” ay ang page ni Remulla.

Pinabulaanan naman ng politiko ang lumutang na hinala na si Macoy Dubs ang kanyang “ghostwriter” sa kanyang verified Facebook account.

“Ako at AKO lamang ang nagsusulat ng aking mga post at mga sagot dito. Actually, ito ay kayang patunayan ng mga taong matagal nang sumusubaybay sa akin since my page started from zero. … Ako at AKO lamang din po ang nag-iisip at nagsusulat ng mga topic na nababasa ninyo,” sambit ni Remulla sa Facebook, Oktubre 19.

“The gossip about me having a ‘ghostwriter’ or ‘content creator’ means that my writing must be impressive enough, for such naysayers to wallow in doubt. I stand by everything I write. I mean everything I say,” aniya pa.

Pinagtanggol niya rin si Averilla, at hiniling na tigilan na ng ilang netizen ang pangba-bash dito.

“Wala akong isyu with Macoy Dubs. Sadly, we have never met much less hired him to write nor create content,” bigkas ng gobernador.

“That said, it is my sincere hope that people would stop bashing him. Each and every one of us have our own trials and tribulations to take care of. Being kind in times of trouble does not cost a thing,” saad niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?