98

Oct 20, 2017 @ 20:22

Wala akong ambisyong magtagal sa puwesto – Duterte

Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na bumabatikos sa kanyang bantang revolutionary government at umano’y pagiging diktador.

Sa kanyang talumpati kagabi sa Cagayan de Oro City, sinabi ng Pangulo na wala siyang ambisyong magtagal sa kanyang puwesto.

Sa kanyang mga nakalipas na termino bilang alkalde ng Davao City, sinabi ng Pangulo na walang kahit isang pagkakataon na umalis siya ng lampas sa kanyang termino.

Katunayan aniya ilang araw bago matapos ang kanyang term ay itinatalaga na niya ang Vice-Mayor para mangasiwa sa Davao city.

“On the dot ako. I have never exceeded — I’ve been elected Mayor eight or seven times. There was never an instance on any of my term that I exceeded one day or 24 hours sa opisina ko. Days before umaalis na ako. Ini-install ko na ‘yung Vice Mayor, You run the city. I am on my way out,” ang pahayag ng Pangulo.

Sabi pa ni Duterte, iyong mga nag-aakusa sa kanya na taga-oposisyon na mayroon siyang ambisyong magtagal sa puwesto ay siya umanong may pansariling motibo at ambisyon na makabalik sa gobyerno.

Tiniyak ni Pangulong Duterte na bababa siya sa puwesto sa huling araw ng kanyang termino o mas maaga pa dahil iyon naman ang nararapat.

“On the last day of my term, o earlier than that, I’ll step down. It is not because of — Lahat naman tao may ambisyon pero ‘yung mag-ambisyon ka… You’re being pictured to be one sa opposition.
When you can invent that kind of scenario for your fellow men, this is — Ikaw ang may gusto. Kayo ‘yung may mga ambisyon. Hindi ako,” ang dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?