298

Oct 21, 2017 @ 13:53

Wakas ng giyera sa Marawi, idedeklara sa Linggo – Galvez

Maaring bukas, araw ng Linggo, ay ideklara na ng Armed Forces of the Philippines ang pagtatapos ng giyera sa Marawi City

Ito’y matapos ihayag ng AFP na tinatarget na lang ngayon ng mga sundalo ang tatlong gusali kung saan pinaniniwaalang nagtatago ang natitirang ISIS terrorist na hindi bababa ang bilang sa 20

Sa report sa DzBB sinabi ni Western Mindanao Command Lieutenant General Ernesto Galvez Jr. na maliit na bahagi na lamang ng posisyon ng mga kalaban ang kanilang papasukin kung saan may hawak pa rin ang may tatlo hanggang apat na hostages.

Subalit kumpiyansa naman si Galvez na matatapos ngayong araw ang clearing operation at posibleng bukas ay ideklara nang tapos ang giyera sa Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?