24

By

Waiters sinuspende ng Miami Heat

Hindi masisilayan sa playing court si Miami Heat guard Dion Waiters dahil sa umano’y unprofessional conduct nito.

“There were a number of unacceptable incidents this week, culminating with his unprofessional conduct on the bench last night,” ayon kay Heat President Pat Riley. “As a consequence, I feel we had to suspend him.”

Napag-alaman na nakipag-usap si Waiters sa coach ng Heat na si Erik Spoelstra ngunit hindi batid kung tungkol saan ang naging pag-uusap.

Si Waiters ang ikalawang Heat player na kinastigo ng koponan, matatandaan na binakuran si James Johnson na sumalang para sa kanilang training camp dahil hindi umano pumasa ang kondisyon nito sa kanilang standard.

Si Waiters ay nag-average ng 12.0 points kada laro noong nakaraang season sa loob ng 44 laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?