1,066

By

Waiter na sinapak, kakasuhan si Ang Probinsyano Rep. Delos Santos

Determinadong magsampa ng kaso ang waiter na sinapak ni Ang Probinsyano Alfred delos Santos noong Hulyo 7 sa isang restaurant sa Legazpi City, Albay.

Ayon sa report ng Philippine Daily Inquirer, hindi makikipag-areglo ang kampo nina Christian Kent Alejo sa ginawa sa kanya ng kongresista.

Saad ng abogado nitong si Bartolome Rayco, handa na silang magsampa ng criminal case kontra kay Delos Santos.

“They are firm in their decision and they will not engage in any ‘areglo’,” saad ng abogado.

“Either grave or simple misconduct and we are also filing a case with the Congress ethics committee,” saad pa ni Rayco.

Samantala, ayon sa spokesman ng Ang Probinsyano party-list na si Joco Sabio, handa silang parusahan si Delos Santos at posible pang masibak sa pwesto sakaling mapatunayan na tunay na nagkasala sa insidente.

“Just like everyone else, the party is concerned and really disappointed with what happened. We are not taking this sitting down and we are taking all the necessary steps to make sure that this will not happen again in the future,” saad ng spokesperson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?