280

By

Waiter na sinapak, hindi na kakasuhan si Delos Santos

Hindi na umano maghahain ng kaso ang waiter na sinuntok ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos, ayon sa kapatid nitong babae.

Sa interview sa CNN Philippines kay Kitkat Alejo, kapatid ni Christian Kent Alejo, tinanggap umano nila ang paumanhin ng bagitong kongresista.

Paliwanag niya, marami nang pinagdaanan ang pamilya nila dahil sa nangyari at gusto na nilang tuldukan ang lahat ng media interviews.

Nanawagan din ito sa mga netizen na ihinto na ang pag-aakusa sa kanila na nagpaareglo.

“We want peace of mind now. Ni-piso ho wala po kaming nakuha,” wika ni Kitkat.

Dagdag pa ni Kitkat, bahala na umano ang Ang Probinsyano party-list kung didisiplinahin si Delos Santos o hindi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?