30

By

Wait lang! DICT Sec. Rio humirit na ‘wag munang palitan ni Honasan

Sharing is caring!

Hiniling ni Department of Information and Communications Technology  (DICT) secretary Eliseo Rio na huwag muna siyang alisin sa puwesto hanggat hindi natatapos ang trabaho sa 3rd telco.

Sa harap na rin ito nang pagtanggap ni Senador Gregorio Honasan sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang DICT.

Sinabi ni Rio na kung maaari ay patapusin muna siya ng Pangulo sa kanyang trabaho sa 3rd telco bago siya palitan sa puwesto.

“I serve at the pleasure of the President pero hinihiling ko lang siguro na, bakit naman palitan ako agad gayong hindi pa tapos itong trabaho na ito no. Siguro patapusin muna ako,” ani Rio.

Sinabi ng kalihim na posibleng sa una o ikalawang linggo ng Disyembre ay maigagawad na sa 3rd telco ang mga frequencies at lisensya para makapagsimula na itong mag-operate.

“Mga second week ng December or even first week ma-awardan na itong new player ng frequencies at lisensiya para makapag-operate na siya,” dagdag pa ni Rio.

Posible aniyang maramdaman ang mas mabilis na internet service sa kalagitnaan ng 2019 kapag walang aberya sa napiling 3rd telco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?