97

Jul 22, 2020 @ 15:53
By

‘Wage reduction scheme inaabuso ng mga employer’

Hiniling ni Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na linawin ang Labor Advisory No. 16 na inisyu noong Mayo sa pagbubukas ng mga negosyo, dahil inaabuso umano ng ilang employer ang naturang panuntunan para sa wage at wage-related benefits.

Sa kanyang liham kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ni Villanueva, chair ng Senate labor committee, na nakatanggap siya ng mga ulat mula sa mga manggagawa kung saan ang kanilang mga employee ay naggpapatupad ng wage reduction scheme taliwas sa advisory na nire-require ng DOLE.

Sa ilalim ng labor advisory, ayon kay Villanueva, pinapayagan ang pagpapatupad ng wage reduction scheme sa mga kumpanya ngunit kailangan pumayag nang kusang-loob ang mga manggagawa.

“Kailangan po magkasundo ang employer at manggagawa sa wage reduction scheme,” sabi ng senador sa isang statement.

“Ngunit sa kasamaang palad, marami na pong natatanggap na mga ulat ang ating opisina mula sa mga manggagawa na pinagbabantaan sila na tatanggalin sa trabaho kapag hindi sila pumayag sa wage reduction scheme.”

“Ang ibang manggagawa naman, sapilitan na lamang po tinanggap ang wage reduction scheme ng walang kasulatan,” dagdag pa nito.

Sabi ni Villaneuva, dapat aniyang magkaroon ng malinaw na grievance mechanism sa Labor Advisory No. 17 kung saan ang mga manggagawa ay maglahad ng posibleng iregularidad sa pagpapatupad ng wage reduction scheme.

“The absence of a clear grievance mechanism in Labor Advisory No. 17 has exacerbated the affected workers’ feeling of helplessness, especially in a time of massive economic and health crisis,” ani Villaneuva.

“Thus, we are respectfully calling on the Department to immediately issue a clarificatory issuance on the grievance mechanism that workers may resort to in cases where they feel that their agreement to the wage reduction scheme adopted by their employer was not properly sought or coerced,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?