34

Sep 21, 2020 @ 9:46
By

‘Wag tayong makalilimot! Martial Law puro korapsyon, pang-aabuso – Robredo

Walang kailangang pagdebatehan sa mga kalupitang totoong nangyari sa Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Pahayag ito ni Bise Presidente Leni Robredo ngayong Setyembre 21, 2020, ang ika-48 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law sa bansa.

“Maraming pinahirapan, naglaho, at pinatay noong Martial Law; lumobo ang utang ng bayan na binabayaran natin hanggang sa ngayon; lumalim at lumawak ang kahirapan. Dinurog ang mga institusyong haligi ng lipunan. Naging bahagi ng diwa ng pamamahala ang korupsyon at pang-aabuso,” wika ni Robredo, na tinalo ang anak ni Marcos sa vice presidential race noong 2016.

“These truths know no political color. Walang debate dito; nangyari ito. Those who attempt to tell us otherwise are not only merely telling a supposed version of the story: They are lying to our faces, stealing our truths from us, stealing our stories.”

“Because without these truths and stories, we will be further divided, at mas madaling magtatagumpay ang mga pagtatangkang abusuhin muli tayo,” aniya pa.

Batay sa datos ng gobyerno, hindi bababa sa 3,000 katao ang pinaslang habang lampas 70,000 iba pa ang kinulong dahil sa pagtutol sa Batas Militar.

Kaya naman hinikayat ng Bise Presidente ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin, panindigan, at huwag kalimutan ang mga katotohanan hinggil sa nasabing panahon.

Sa patuloy na pag-alala, aniya, mapipigilan ng mga susunod pang henerasyon ang pag-upo sa puwesto ng iba pang diktador.

“Our task is to push back against these lies at every instant. To tell the stories of Martial Law and dictatorship over and over so that this generation, and the ones that come after, may be bound tighter through remembering. To hold firm to the truth of this painful chapter of our history, and through this, forge the determination to never again let our people fall into such despair,” sabi ni Robredo.

“We must do this because, ultimately, our national aspirations can only be as strong as our national memory. Ngayong araw, manindigan muli tayong hindi tayo makakalimot,” dagdag niya.

Setyembre 21, 1972 nang prinoklama ang martial law pero pormal itong inanunsiyo makalipas pa ang dalawang araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?