93

Dec 14, 2017 @ 15:31
By

‘Wag praning sa martial law – Nograles

Pinakakalma ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles ang publiko sa pinalawig na martial law sa Mindanao.

Katuwiran nito, walang dahilan para ma-praning at matakot ang mga tao sa pagpapalawig ng batas militar na ang layunin lamang ay wakasan ang terorismo sa rehiyon.

Giit ni Nograles, napatunayan naman ang good faith ng pamahalaan at mga sundalo sa limang buwan na unang pinalawig ang batas militar.

Patunay aniya nito na walang ulat ng pagmamalabis sa hanay ng militar at pulisya na sumentro lamang ang kapangyarihan sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng teroristang Maute.

Wala rin aniyang nai-report na pang-aabuso o naikulong na media dahil sa pagre-report ng sitwasyon sa Marawi City.

Dagdag pa ni Nograles, bilang taga-Mindanao ay batid niya ang peace and order situation sa rehiyon na nangangailangan ng extraordinary measures. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?