211

Jan 10, 2020 @ 21:50
By

‘Wag n’yong demonyohin anak ko – Duterte sa mga nagpipilit mag-presidente si Inday Sara

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo niya sa anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na huwag nang tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022.

“Kung may mag-ambisyon sa’yo, ‘wag ka talagang magkamali. Kaya si Inday, ayaw ko. ‘Wag n’yong demonyohin ‘yang anak ko kasi maawa ako sa kanya. Anak ko ‘yan e. Pag presidente, baka mainsulto kayo,” aniya sa kanyang speech sa pagbisita niya sa Cotabato.

Matatandaang ilang beses nang sinabi ng Pangulo ang pagsisisi niya sa pagtakbong Presidente dahil sa dami ng problema ng bansa maging ang mga pang-iinsulto aniyang natatanggap niya.

Nauna nang sinabi ni Mayor Sara na wala siyang plano na tumakbo sa 2022 presidential election pero hindi rin aniya siya nagsasara ng pinto at magdedesisyon sa 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?