668

By

‘Wag niyo na ko takutin, ituloy niyo ang kudeta! – Duterte sa mga ‘sundalo ni Trillanes’

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong Magdalo na ituloy ang planong kudeta kung inaakalang mas magaling ang mga ito sa kanya.

Sa tete-a-tete nila ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sinabi ng Pangulo na hindi siya natatakot at hindi siya kailangang pilitin para bumaba sa puwesto tutal ay sawa na rin ito.

Kung sa tingin aniya ng mga kakampi ni senator Antonio Trillanes IV ay mas magaling sa kanya si Vice-President Leni Robredo ay ituloy ang planong pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.

Binanggit ng Pangulo ang pinaplano umanong pananabotahe sa gobyerno sa September 21 ng mga kontra sa gobyerno at hinamon ang mga nasa oposisyon na ituloy ito.

Huwag na aniyang patagalin at umpisahan na para hindi puro bulong-bulong ang ginagawa.

“Kung kaya ninyo itong mga trabaho na ito at ipagtanggol ang bayan itong mga sundalo ni Trillanes. If you think that he is the brightest military, ‘di sige magsama-sama kayo. Go, I encourage you go to him ngayon na! Huwag ninyo na hintayin, ipakita na ninyo ngayon.

Tatakutin ninyo ako ng kudeta-kudeta? Hindi ako kailangan pilitin. Kung ayaw na ninyo at sa tingin ninyo yung babae si Leni mas maganda, mas mahusay eh ‘di ituloy ninyo. Sige hinahamon ko kayo talaga. Kasi sawa na ako sa takot takot ayaw ko ng ganon. Gawin na ninyo para matapos na. Tatalon ako diyan sa Pasig river, lalangoy ako pauwi. Umpisahan na ninyo ngayon na. ‘Wag na ninyo patagalin. ” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na may dokumento siya ng mga nasagap na pag-uusap nina Trillanes at ng Kilusang komunista kaugnay sa umano’y planong pagpapabagsak sa gobyerno at handa niya itong ilabas sa mga susunod na araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?