458

Apr 4, 2020 @ 17:58
By

‘Wag nang magsisihan! Gordon naiyak sa pagsasalita sa COVID-19

Hindi napigilan ni Senador at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon na maiyak habang nagsasalita sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) 2020 Forum.

Tumulo ang luha ng senador habang nagpapahayag ng tungkol sa pag-asa at maging mas mabuti sa panahon ng krisis ng COVID-19.

Dagdag niya, imbes magsisihan ay dapat humanap ng solusyon sa problema.

Binahagi ang video ni correspondent Jamela Alindogan sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?